Soliloquy

Wasted, praning, may toyo. That’s me today. Nagbabalak na nga ako mag-“MC” kanina, pero nakontra ko pa din si “katam”. Marami akong iniisip.. (well kelan ba hindi?) Ang bottom line lang ng lahat… I needed a break.

Oo, paulit-ulit na lang ako, mga ilang beses ko na ba naisulat ang sentimiento ko expressing my exhaustion. Yung mga pagkakataon na, wala ka ng ibang ma-feel kundi pagkasuya? or pagkadismaya? Kung sana madali na lang mag-quit, at i-give up lahat, kaso di naman ako quitter, tsaka bago sana yun, gusto ko sumabog, one time big time blow, ibuhos na lahat lahat lahat… pero after that, yun na ba kaya ang katapusan? Ewan!

Minsan di ko mapigilang mag maldita, mabait naman ako, pero di ako santo, kung meron man nagpapatino sa akin, yun yung “konsensya” at hiya sa Diyos, kasi kahit pa nga wariwat at wala ako madalas sa wisyo, alam ko naman, never nya akong pinabayaan at sobrang blessed pa din ako.

Nagsimula kasi ang ang pagmamarakulyo ko nung Araw ng “Nguso”. booo! oo na bitter ako? so? but i never and will never use my bitterness to hurt anyone. Lulunukin ko na lang ang pait.. sheet ang drama.  Para naman may bago naman kasi noh? magtatatlong dekada na akong ganito,dapat naman masanay na ako siguro???

Five days ago,we found out that our hausmate passed away. Imagine, He left for vacation on Chinese New Year, not knowing that he wont be back. He succumbed to colon cancer, stage 4 agad when he was hospitalized, wala pang two weeks after detection, nag goodbye na sya. Super sad… Intensified tuloy ang kapraningan ko with the pain i’m having on my upper right abdomen. Although nung umuwi ako last January, nagpa-ultrasound ako at clear naman ang results,  pero masisi nyo ba ako sa kapraningan ko?

Kaya naman ngayon, parang naghuhulas lahat ng sebo sa mukha ko, pati mood ko, ang greasy! Idagdag pa ang araw araw na kunsimisyon sa mga Ngo-ngo. Talaga naman…

Pwede ba akong mag-apply na “BUM”??? Sige na, two months lang? Gusto ko naman ng bago… dati na nga akong lukring, pero lalo pa ata akong mapapraning… OA na ako sa drama anthologies…  Gusto ko lang ng outlet, kaya nga ako nagsusulat ng ganito. Kung season lang ‘to na lumilipas, aba’y bilisan mo na, rumatsada ka na ng daan ng matapos na at maiba naman. Kapoy na!

Alam ko, hanggang reklamo at ngawa lang ako dito, patuloy pa din ako mag re-respond whenever there’s a need to respond, obligation ba yun? hindi, pero yun ang nagbibigay ng saysay at silbi sa buhay, o di ba baliw lang ako talaga?!

Sa susunod ulit na monologue.

Advertisements

5 thoughts on “Soliloquy

  1. Teka what is “MC”? hehe.. shunga lang! yay..
    Ok lang yan teeh, buhos lang ng buhos ng sama ng loob,
    I or We are just here to listen (or read) your rants.
    Ganun tlaga. Pana-panahon lang yan. Those are the days! hihi :p

    Dadating ang time, kami naman..haha!

  2. open arms lang ako andito, ur always welcome ika nga, maisipan mo man umuwi at maligaw kung saan… alam mo kung nasaan ko…. seriously though, u needed a break.. to relax.. to distress… easier said than done ha? pero sis, basta ano man yang desisyon mo… ring my bell! naku, andami ko pang utang na oras sau.. kelan kaya ako makakabayad?:)

    HUGS! love love….hinga malalim!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s