Bilang OFW

Tatlong taon na pala akong nandito sa Singapore… 3 years of braving myself to beat the odds and challenges of being away from home.  Maraming ng nabago, simula nung unang beses na makasakay ako sa eroplano, ang ma-interrogate sa Immigration, maghintay at umasa ng walang kasiguruhan sa mahigit isang daan na job applications na sinubmit ko online. Ang “choice” na umalis ng bansa ay isang malaking sugal, hindi madali…  at sa bawat sugal ng buhay, may talo meron ding panalo… pero kung susumahin mo.. it’s worth every experience…

Aaminin ko, nagiisip na akong umuwi.. bumalik sa piling ng aking mahal na pamilya… maiksi lang ang buhay, and i wish to spend the most of my life being with the people I love…  ayoko kong ma-miss ang bawat pagkakataon na magigising ako na sila ang kasama ko… ang maipagluto ko sila at makasabay silang kumain… kahit pa nga may mga bagay na di namin napapagkasunduan, mas malamang naman yung mga pagkakataon na kami ay masaya.

Money has not been my motivation, well, yes, it was a factor for consideration, but was never the reason or cause of my fulfillment.  Simpleng mamayan lang ako. Kahit pa nga, marami ang naa-amaze that I’m living “the life abroad” I never see it as something extravagant. Not many people realize, that working overseas expose you to alot of discrimination… kasi sampid ka lang… there’s this dilemma of trying to prove yourself… plus the undying connotation about OFW, being rich? HELLO? kaya nga ako nagtitiis dito sa bansang to, kasi I am not rich,  if I was, why would I gave up the pleasure I have at home? Kaya nga rin ganun na lang ako automatic na umiirap at di mapigil ang sarili na di mag react pag may hambog na OFW akong nakaka engkwentro. Yabang mo kasi noh? Eh pareho lang naman tayo kayod marino at alipin ng ibang bansa.

Sa kabila ng mga iba’t ibang drama ng pangingibang bayan… I am very much thankful for the privilege and for the opportunity… hindi naman lahat nakapagpa-picture na kay Merlion. Isa pa, iba ang ligaya, pag dating sweldo mo, may maire-remit ka na… abang ulit sa susunod na sweldo. 🙂

In four days (as of writing)… 3rd Anniversary ko na. The day when I was officially hired and the rest as they say, is history.

My First Airplane Ride

The Merlion

The Esplanade

Along Orchard Road

Advertisements

31 thoughts on “Bilang OFW

  1. happy 3rd year! konting tiis pasasaan bat babalik din tayo sa pinas nating mahal na di na natin kailanganin mangibang bansa :)) mwahs! salamat sa tweet at blog we always get by!

    • riza rodrigo says:

      goodluck hinde lahat ng nanjan sa ibang bansa maganda kapalaran,,, prayer ang need ng bawat isa ung ibaa gustong gusto pumunta jan isa na ako pero paano napakahina ng loob ko…… proud ako saiu…

  2. Happy Anniversary godsis! Mabuhay ang mga Bagong Bayani! Let us be proud to be OFW! Yung iba kc ayaw nila natatawag na ganun. I don’t know why! Pero nakakalungkot talaga na kapalit ng mas mataas na sweldo ay yung malayo ka sa pamilya at mga kaibigan mo. pero sa Awa ng Diyos, ayos naman tayo di ba? mwah!

  3. Saludo ako sa mga katulad mo..

    May mga kapatid din ako na kailangang umalis ng bansa at makipagsapalaran sa ibang bansa para maiahon ang pamilya.
    Ung lungkot at ang paglayo nila isang napakalaking bagay..

    Wag ikaw worry, You’ll be rewarded by our Big Boss up There sa lahat ng hard-works and sacrifices mo 🙂

  4. tinytincan says:

    at talagang blog galore ang sister ko! LOVET!
    i am glad uv got WP na!! gosh!! i feel like i’ve betrayed MP!! :))

  5. oo nga anniversary na natin in a couple of days, another year ng pagpapalipin sa mga ngongo.

    ang wish ko sa 3rd year natin sana hindi tayo mangongo 🙂

  6. @iamabhie – pasasaan ba matutupad din ang mga pangarap! 🙂

    @certifiedmaldita – i’m proud to be Leona Contemplacion!

    @tintincan – following the leader :))

    @chubatsa – PAK! na PAK! happy anniversary to US, tayo na lang natitirang matibay!

  7. wilfredo flores says:

    i have two childre, a daughter and a son, in the middle east east and i miss them very much. Mabuhay kayo for your sacrifices. I love you all and i always pray for your well being.

  8. I salute you & the rest of the people working far away from home & their families. Tama! Ikaw na ang idol ko na OFW! Clap clap clap! 🙂 Hayaan mo, few years from now, you’ll be sitting pretty at the comfort of your own home back here in Pinas embraced by the loving arms of you family! MABUHAY KA! 🙂

  9. Peter Punzalan says:

    Ang pag-aabroad ay di panghabang-buhay (depende) nag-abroad lang tayo para makaipon (dahil doble ang kita o higit pa) Napilitan lang tayo dahil sa kahirapan, mahigit 15 yrs akong nagtrabaho sa Pinas at bago pa yan nagtrabaho rin ako sa ibat-ibang company kahit na maliliit ang sweldo, Naghihintay lang ng bonus at pa raffle pag Christmas Party baka sakaling manalo ng TV o Refrigirator o washing machine etc., Di ko malilimutan ang sabi ng asawa ko kapag nahingi ako ng baon sa kanya “O ‘eto ang baon mo, ang sweldo mong inaabot sa akin ako lang tagahawak kayo ng mga anak mo ang taga-gastos” kung mananatili ako sa Pinas baka ganyan lagi ang marinig ko. Kaya d2 ako sa Qatar ngayon para makaipon 4 times ang laki ng sweldo ko (same job sa Pinas) (technician) mabibili ko na lahat ng gusto ko (depende wag lang bahay at lupa pag-iipunan pa yan). Share ko lang ito sa inyo. Salamat po sa pagbasa. Tiis lang mapatapos ko lang ang mga anak ko babalik din ako ng Pinas.
    PETER

  10. minerva masaganda says:

    tama…now we are philippines heroes….tiis lang mga kabayan at least swerte pa rin tau na kahit papano nakakatagal tau s mga boss natin at it means they are not as bad as the other….working overseas means sacrifices….kumapit lang kay Lord and presto everything will gonna be ok..ingat lang tau mga sisterettes s health natin coz were living away for the people who cared about us…

  11. tama ka jan kabayan hnd ko alam kong bakit ang mga ibang ofw super sa yabang eh kayod kalabaw din naman para lang makapag padala ng pera sa kanilang mga familya! at kaming mag asawa mga 3 years narin kami dito sa jeddah awa ng dyos naging maayos naman ang aming trabaho at mabait naman ang aming amo! kaya lang naman kami nag trabaho dito sa ibang bansa kasi para makaipon at matupad ko ang aking pangarap na makabili ng sariling bahay sa aking mahal na asawa!!! kasi gusto kong mangyari kong pipikit na ang aking dalawang mata, ay nasa maayos na kalagayan na ang aking familya!ayaw kong maranasan nila ang dinanas kong hirap sa buhay, kaya awa ng dyos sana next year ay matupad kuna akin mga dasal at pangarap sa buhay, makauwi narin kami ng aking asawa! sa pinas !!!!!!!!salamat po ………………jonathan ng jeddah k.s.a

  12. M13 ksa says:

    IT IS ONLY A JOB!

    lagi ating isipin na trabao lng ito….mahirap ang mawalay sa mga mahal natin ngunit the inspiration were them….we will do everything for them…..sacrifice…..responsibility…..obligation

    it doesnt change who we are…we became better person….we only wish better life for them…..hoping they will not follow our footsteps someday….although it might lead to that….

    the point, sister, is let us finish the job everyday and one day its uwian na!!!…..we had missed happy days with our family let us not waste our life away from them sa kagagala here in abroad…. do the job collect the fees and spend it to our loveones

    maging matatag tayo sa hamok ng buhay kasi God knows we can do it…..trials are not burden to us …..it is a blessing…. we prayed for better life for our loveones and God gave us these chance to fulfill it…..

    gudluck sister happy anniversary….

    from M13 of saudi arabia…..10 yrs nang nakikibaka!

  13. maribel caguitla says:

    Hello po!
    Wag po kayong malungkot dyan mga OFW, alam nyo naman po na mahal na mahal kayo ng mga kaanak nyo nasa Pinas at very proud sila sa inyo. At hindi po lahat ng Pinoy nabibigyan ng opportunity makapunta sa ibang bansa. Isa nga po akong social worker at sobrang expose sa sobrang hirap ng buhay dito sa Pinas. Nakikita ko mga malnourish children,malalaki ang tyan, nakapaa, hindi nag-aaral minsan talaga saging lang at kamote ang pagkain, pag minalas pa talaga walang wala. Ung mga mangingisda kapag walang isda sa dagat talagang gutom ang aabutin. Ung ibang lugar nga lalo ng nasa bundok,walang kuryente, walang social services na nakakarating sa kanila at mukhang nakalimutan na na may taong nabubuhay dun. sobrang hirap, pag nagkakasakit, mamamatay na lang ng walang lunas..hay nakakaawa talaga, nakakahabag at nakakadurog na puso. Sa mga bata talaga ko sobrang awang awa, kasi kapag hindi sila nakapag-aral, hindi na mapuputol ang hirap sa kanilang pamilya. Ganun na din sila kapag tumanda, eh di paulit ulit lang ang hirap.Kaya mas masuwerte pa din po kayo, im sure sa family nyo walang nakakaranas ng ganitong kahirapan. Wag po kayong malungkot dyan, palaging may awa sa inyo ang Diyos.Hindi po siya nagpapabaya sa mga taong nananalig at laging nagdarasal sa kanya. Salamat po!

  14. eva says:

    naiiyak ako sa inyo kahit hindi ako naging OFW ramdam ko ang hirap nyo … the reason why!!! OFW din ang husband ko…. sa saudi arabia. mahirap, masrap. nakakainip. at higit sa laht nakakamiss dahil meron mga bagy na hindi namin magwa sa aming buhay. yung magcelebrate ng wedding anniversary, birthday nya , ako at mga bata… un ang nakakamiss sa.i know ang mga pinagdadaanan nyo wag kayung bbitaw just pray sa lord.. dahil anjan lang sya lord can guide,can provide can give everything sa mga taong marunong mag obey lang sakanya di kayo nya pababayaan. kahit anong trials ang dumating STILL.. lord lang ang tawagin good luck….. to alll OFW mabuhay kayong lahat… GOD BLESS….

  15. tanggapin nntin ang ating kapalaran ilang dekada ng nagpapaalipin tyong mga pinoy sa mayayamang bansa nand2 rin ako sa dubai tniis na mahiwalay sa asawat anak kapalit lng ang kakarampot na sweldo na mahirap kong kitain sa pinas gnon talaga may mayaman at may mahirap na bansa kanya2ng papel sa mundo. bulok kc ang sistema ng ating bansa puro kurakot kanya2ng nakaw ang mga opisyal ng gobyerno makasarili at nsa kultura na ntin yan, kya kung wala ang mga kagaya ntin sino ang magttrabaho pra yumaman llo ang mayayamang ng bansa? at pra maghirap llo ang mahal nting pilipinas. kya dapat tyong matutong mag-ipon2 pra sa pagtanda ntin at pra sa mahal nting pamilya. in the end its our choice of what we have now and then.

  16. Anabel says:

    hi! been there for one year, i tried to be brave enough as a person but then i was so scared, i just wanted to be with my family, i just want to see my kids as they grow up. Dyan ako bilib sa inyo sis may determinasyon ka sa buhay. All i can say don’t waste your time, you need to save money for the future, hindi habang buhay maninilbihan na lang tayo.

  17. lovelymargz says:

    hello p0 s lhat ng mga ofw…grbe s0brng n t0uch nman ak0 d2 isa rin ak0ng 0fw 1yr.plang me d2 s jeddah,22o p0 s0brng sakripisy0 pinag dadaanan nmin kulang s 2l0g,wla s 0ras ang pgkain tp0s dm0 p gus2 minsan ang pgkain…isa p0 me caregiver d2 sbi s c0ntrct 8hrs.lng w0rk at evryweek may day 0ff but when im here wlang day 0ff at minsan 8hrs.lng ang phinga,nung una buwan k0 p0 d2 wla ak0ng ibng ginwa kundi umiyak hal0s d rin me mkakain s s0brng lungk0t,but hndi p0 ak0 pinabayaan ni L0rd i alwyz pray n sna mkyanan k0 at mlagpasan k0 ang lhat ng 2 cnbi k0 rin s sarili k0 i wil never give up kz ginus2 k0 2 at wla nmang 2mulak skin para pumunta d2,ay0n p0 pinandigan k0 at nilabanan k0 lhat ng hirap at lungk0t para lng mpa2nayan k0 s sarili k0 n hndi ak0 nagkmali s decisy0n k0 n mangibang bansa,masarap s pkiramdam n alam m0ng nkk2l0ng k s fmily m0…tska hndi nman lhat pinapalad mkpunta ng ibng bnsa kya khit papanu isa rin ak0ng pinalad n mgi2ng 0fw,tnx a l0t kay Lord…mbuhay ty0ng mga 0fw…

  18. jULIET OF CALOOCAN says:

    YOUR SO BRAVE MY DEAR,OFW DIN AKO NOON KYA ALM KO NARARANASAN MO.NGYN ANAK AT MGA PAMANGKIN KO NA RIN NGAYN.NAGSASAKRIPISYO PRA SA AMIN AT PAG AARAL NG KAPATID NYA.FOR ME YOU ARE ALL HERO.KEEP UP THE GOOD WORK.GOD BLESS MY DEAR.

  19. shiruvia says:

    It’s really nice to read ofw’s success story like yours. Eh, monologue pala, make it a habit to do it as often as u can, it’s one way of expressing and refreshing youself and importantly u are teaching other ofw’s the idea how to write (well) using the right words to make ur point across. Panalo ka dyan! It also proves that Filipino ofw’s are not a bunch of bobo’s. Keep on organizing . . .writing . . .ur monologues, it’s inspiring. Mabuhay ka!

  20. mhel darang says:

    kabayan, hindi ka nag-iisa, na ang ating paglisan sa ating sariling bansa ay dala ng POVERTY N HARDSHIP IN LIFE, because of this tayoy naging matapang na makipagsapalaran sa ibang bansa, na ang tanging hangad ay ang makatulong sa mga mahal sa buhay, ang mabago ang katayuan ng ating pamumuhay,ang buhay ng nasa ibang bansa ay isang sugal, matalo o manalo, puno ng trials, sacrifices n endurance at higit sa lahat ay LONELINESS,kailangan lang nating maging matatag at maging ma-ingat sa ating mga decesion at kilos / gawa sa ating buhay ng malayo sa ano mang kapahamakan, AT ATING MAHALIN AT ALAGAAN ANG ATING SARILI TO BE CONFIDENT, HAVE SELF STEEM N EMPOWERED TO FACE THE WORLD.

  21. ClaireMacobGarces says:

    totoo ang pg abroad ay swerti swertihan lng,isa dn me OFW d2 s Hofuf,Saudi arabia,i’ve been here for 6yrs,lahat nman s buhay nten ay may TRIALS & ERROR,lage lng manalig s taas at tunay kng dka PABBAYAAN ni Lord.pumunta k nga d2 para mag work,makipagspalaran at nagkaroon ng kaibigan, minsan kc kung cno ung tinuring mong kaibigan, KABBAYAN at KALAHI, cla p ccira syo,dahil s INGGIT.ung tipong dba cla matutuwa kung kw ay umaangat o siniSWERTI s trbaho at s mga kaibigan.Lungkot at Tiis s skit ng ktwan tuloy ang trbho ang inaabot mo d2 tpos cciraan kpa ng D TOTOO ng kapwa mo,sbagay ung nanira sken xa etong MINALAS at tlagang nagka MALAS2 n buhay nya KABAYARAN ng ginawa nyang KASAMAAN s kapwa at MISMO S BUHAY nya.kya mga kapatid paAlala lng s mga nagppdala ng door to door thru friend lng mg INGAT s binibgay nyong address.pg malinis ang kunsenxa mot tunay kng kaibigan ANG BIYAYA AY LGENG NASA S’yo.MABUHAY KAPWA KO OFW, Lageng MATATAG.

  22. dearest leona! i have regrets bakit ngayon ko lang nalamn tong entry mo na to..sorry i wasn’t there during ‘those’ times na hindi tayo ngkakausap.. we both have ‘difficult’ moments recently and i respect urs too..but u knew u can always.. yes ALWAYS have the place in my heart.. d nagbago un kapatid..so anytime u need me isang txt o misscall lang andyan na ako…

    I know everything u wrote here..kung gano mo na kagusto umwi sa family mo… u are one of the greatest and sweetest person iv ever known in my life! And sana sana at sana pa.. alam ng dyos na isa lang hinihiling ko para sa u— eternal happiness!…

    If ever u decided to come home… let me know! open arms.. wre here for u!

    MISSING U, and be safe there ok? take good care of ur self…

    love,love,love–evey 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s